Ngayong Semana Santa, magsasagawa ng sabayang pag-awit ang mga Chorale Groups ng Taguig City sa TLC Park Concert Grounds, C-6 Barangay Lower Bicutan, Taguig City.

Ang konsiyerto ay bubuksan ng alas 6:00 ng gabi ngayong Huwebes Santo, Marso 28, 2024, at muling isasagawa sa Biyernes Santo, Marso 29, 2024, alas 6:00 ng gabi.

Tampok sa aawit sa Huwebes Santo ang Taguig City Vocal Artists, Musica Ardea, Taguig City University Chorale, at Dambanang Kawayan Schola Cantorum.

News Image #1


Sa Biyernes Santo naman, ang mga aawit ay ang Taguig City Chorale at Himig Sta. Cecilia.

News Image #2


Bukod sa konsyerto, bukas din ang TLC Park para sa mga nagnanais na magmuni-muni ngayong Mahal na Araw.

Bukas sa publiko ang Life of Christ Holy Week Reflection Site sa TLC Park hanggang sa Sabado de Gloria, alas 7:30 ng umaga hanggang alas 10:00 ng gabi.