Mahigit 12 milyong won o $9, 000 ang natangay ng isang Koreano at kanyang mga kasabwat sa telecommunications fraud aa South Korea.

Naaresto ng Bureau of Immigration ang wanted sa Korea na si Kwon Hyuckkeun, apatnapu't isang taong gulang na Koreano, sa tinitirhan nito sa E. Rodriguez St. Quezon City.

News Image #1

(Larawan mula sa Bureau of Immigration)

Isinilbi kay Kwon ng BI Fugitive Search Unit ang warrant of arrest laban kay Kwon bunga ng pagsasagawa ng voice phishing upang maloko ant mga kababayan nito kaugnay ng pagkukunwaring nag-aalok ng mababang interes sa pautang kapalit ng pagbibigay ng mga biktima ng kanilang mga personal na impormasyon sa credit card.

Ang isinilbing warrant of arrest laban kay Kwon ay ipinalabas ng outstanding warrant of Seobu Branch ng Daegu District Court sa Korea na ang petsa ay noong bang Abril 2016.

Napag-alaman ding overstaying alien na sa bansa si Kwon nang makita sa record na pumasok ito aa bansa noong Nobyembre 2018 subalit hindi na lumabas ng bansa.

Si Kwon ay nakapiit na ngayon sa BI Detention Facility sa Cam Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.