Bukas nang muli ang aplikasyon para sa Lifeline Assistance for Neighbors In-Need (LANI) Scholarship Program para sa unang semestre ng school year 2025 hanggang 2026.

Maaaring mag-apply sa link na ito: https://qrco.de/LANI_1stSem-SY2025-2026, at punan ang form ng maingat at kumpleto.

Maaari ring i-scan ang QR code sa infographic na ito:

News Image #1

(Infographic ng Taguig Scholarships Office)

Ang application period ay mula Agosto 20, 2025 hanggang Setyembre 19, 2025.

Samantala, patuloy ang LANI Scholarship Program sa pamamahagi ng scholarship allowance kung saan mahigit 2,000 scholars ng Taguig ang nabigyan nitong Agosto 20, 2025.

Ngayong Huwebes, Agosto 21, 2025, kahit holiday ay maglalabas ng allowances ang Taguig City sa 2,372 scholars.

Kailangan lamang na magtungo ang mga scholars sa Taguig Scholarship Office ng 30 minuto bago ang kanilang takdang oras ng pagkuha ng allowance dala ang tama at kumpletong requirements.

Kung hindi makakarating dahil sa balidong dahilan, maibibigay ang kanilang allowance sa unang linggo ng Setyembre. Kasama rin dito ang mga hindi makatanggap ng notice.