Nasa 12.87 metro na ang Laguna de Bay, at nananatiling higit aa critical high threshold nitong 12.50 metro sa pinakahuling pagsukat kahapon, Hulyo 31, 2025.

News Image #1


Ang pagtaas ng lebel ng tubig sa lawa ng Laguna ay dahil sa nakaraang tuloy-tuloy na pag-ulan bunga ng habagat at mga bagyo.


"These weather systems significantly increased rainfall across the Laguna de Bay basin and contributed to the gradual rise in lake level," ang pahayag ng Laguna Lake Development Authority (LLDA).

News Image #2


Inaasahan namang unti-unting bababa ang lebel ng tubig sa Laguna de Bay habang kumakaunti ang pag-ulan bagaman at hindi ito mabilis.

Gayundin, malaking problema ang pagtaas naman ng tide sa Manila Bay.

"Tidal movements in Manila Bay continue to influence the lake's ability to naturally drain through the Pasig River and Napindan Channel. High tides may still temporarily hinder the outflow of water, especially during peak tidal periods," ang dagdag na pahayag ng LLDA.

News Image #3


Ipinaalala ng LLDA na kailangang maging mapagbantay pa rin ang mga nasa baybayin ng Laguna Lake at sa mga mababang lugar na malapit dito dahil magkakaroon pa rin ng mga pagbabaha, lalo na kung biglang uulan o magkaka-high tide.

"Prolonged elevated lake levels may also lead to continued waterlogging in poorly drained or flood-prone areas," dagdag pa ng LLDA.

Para sa dagdag na koordinasyon, makipag-ugnayan sa Project Development Management and Evaluation Division (PDMED) sa [email protected] o tawagan ang (02) 8376-5430 local 135.

(Mga larawan ni Kenneth Agon)