May libreng College Graduation/Toga Picture-Taking para sa mga ga-graduate sa kolehiyo na taga-Barangay Hagonoy, Taguig, na hatid ng Sangguniang Kabataan ng Hagonoy.

Ayon sa SK Hagonoy, ito ay nasa ilalim ng kanilang Project Tagumpay kung saan ang memorya ng pagtatapos ay makakamit ng walang bayad ng mga graduates.

Hindi lamang ilang kopya ng litrato ang libre kung hindi mayroon ding serbisyo ng propesyonal na Hair at Make Up Artist at ang glass frame para sa larawan.

Hanggang bukas, Hunyo 7, 2026 ito isasagawa sa Barangay Hall ng Hagonoy.