Libre ang flu vaccine sa Taguig City para sa mga persons with disability (PWD) na nasa ilalim ng kategoryang may sakit na kanser at physical disability.

News Image #1

(Art card ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig)

Makaraan ang malawakang pagbabakuna sa mga senior citizens laban sa flu kamakailan, ibibigay naman ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang libreng flu vaccines sa may kanser at physical disability.

Ang malakawang pagbabakuna laban sa flu sa mga PWDs na may sakit na kanser at physical disability ay isasagawa sa mga health centers ng Taguig sa Hunyo 23 hanggang 26.

Magsisimula ang pagbabakuna ng alas 7:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon.

Kailangan lamang na ipakita ang balidong PWD ID ng Taguig sa mga health centers ng siyudad.

Sa ngayon ay ang dalawang kategorya lamang muna ang bibigyan ng libreng bakuna laban sa fly.

Ang iba pang kategorya ng PWD ay seserbisyuhan din sa susunod.