May libreng bakuna laban sa flu para sa mga Persons with Disabilities sa Taguig City mula ngayong Hunyo 29 hanggang Hulyo 2, 2026 sa lahat ng mga health centers ng lungsod.

News Image #1


Ang pagbabakuna ay mula alas 7:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon.

Kabilang sa mga PWD na babakunahan ng libreng flu vaccine ay ang mga nasa kategorya ng may:
• Cancer
• Physical Disability
• Deaf/Hard of Hearing
• Visual Disability
• Rare Disease

Kailangan lamang na ipakita ang balidong PWD ID ng Taguig sa health center.

"Please note that only these five categories will be accommodated during this schedule. Vaccination schedules for other Persons with Disability categories will be announced soon," ang paalala ng City Health Office ng Taguig.

(Larawan ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig)