Libreng gupit para sa mga tatay ang inihandog ng Barangay Central Bicutan sa pagdiriwang ng Araw ng mga Ama nitong Hunyo 21, 2026.

Nagboluntaryo ang mga barbero upang magupitan ang mga tatay ng libre.

Kabilang sa mga barbero at barber shops na nakatuwang ng Baramgay Central Bicutan ay ang sumusunod:

* 3B Barbershop
* Den'z Barbershop
* Street Dream Barbershop

"Maraming salamat din sa lahat ng mga tatay na nakiisa at sumuporta sa programang ito. Ang simpleng handog na ito ay aming paraan ng pagbibigay-pugay at pasasalamat sa inyong walang sawang pagmamahal, sakripisyo, at dedikasyon para sa inyong mga pamilya," ang pahayag ng Barangay Central Bicutan na pinangungunahan ni Kapitan Rodjie Tangpuz, Barangay Council at mga Kagawad, kasama si SK Kagawad Jarred Fontiveros.