Dagdagan pa ang mga kaalaman sa pagtatrabaho sa pamamagitan ng mga kursong inihahandog ng libre ng Taguig Manpower Training and Assessment Center (TMTC).


News Image #1

(Larawan mula sa TMTC)

Mayroon ito ngayong kursong construction painting para sa mga nagnanais na madagdagan ang kanilang kaalaman sa mga trabaho sa konstruksyon.

Mayroon ding pag-aaral kaugnay ng electrical installation and maintenance.

Ang TMTC ang kauna-unahang local government unit (LGU) training at assessment center sa National Capital Region.

Nagbibigay ito ng libreng TESDA-registered courses sa teknolohiya, health care at iba pa.

Sa mga interesadong mag-aral, maaaring mag-apply sa TMTC sa Col. Ballester St. Barangay Central Signal, Taguig dala ang mga sumusunod na requirements:

* kopya ng PSS Birth Certificate
* Original na Barangay Clearance na dalawang buwan pa bago mag-expire
* Isang 2x2 picture na puti ang background
* Isang 1x1 picture na puti ang background