Libre ang malinis na inuming tubig para sa mga taga-Barangay Tuktukan.
May ipinatutupad na iskedyul sa pagkuha at pagdeliver ng libreng tubig sa Barangay Tuktukan:
Lunes : Kawayanan, TND Village, at Daang Hari St
Martes : S.K. Ramirez St
Miyerkules : Atal Compound at Mabini St.,
Huwebes : J.P. Rizal St
Biyernes : Bagong Silang St
Sinabi ni Kapitana Suranie Ulanday na nagsimula ang kanilang pamimigay ng malinis na tubig sa mga taga-Barangay Tuktukan noob pang 2022 nang maitatag nila ang Barangay Water Refilling Station.
Ayon kay Ulanday, makipag-ugnayan lamang sa Barangay Tuktukan para sa mga taga-barangay na nagnanais mabigyan ng malinis na tubig na magagamit sa pag-inom at pagluluto.
Libreng Purified Water, Ipinamamahagi ng Barangay Tuktukan sa mga Ka-barangay Nito | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
