Binibigyan ngayon ng libreng pagre-review para sa college entrance examination ang may 1,500 incoming Grade 12 students sa ilalim ng Academic Competency and College Entry Support System (ACCESS) ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig.

News Image #1


Ang sampung linggong programa na sinimulan noong Mayo 23 at matatapos sa Hulyo 25, 2026, ay naglalayong maihanda ang mga naturang estudyante sa pagpasok sa kolehiyo o unibersidad.

Ang programa ay pinangungunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig at Taguig City University (TCU) sa pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd) Taguig and Pateros.

Tuwing Sabado isinasagawa ang klase at pinag-aaralan dito ang English, Mathematics, Science, Filipino, Social Science, Analytical Reasoning, at General Information.