Sa mga nag-aalala, nahihiya o nahihirapang magtungo sa health centers ng Taguig kung saan isinasagawa ang Human Immunodeficiency Virus (HIV) testing, ang medical team na ng Taguig City ang magtutungo sa inyo.
(Larawan ng Taguig PIO)
Ang libre, hindi ipinagkakalat na impormasyon (confidential) at kumbenyenteng "Door-to-Door HIV Screening at Counselling" na serbisyo ay dadalhin na sa bahay ng mga Taguigeño.
Ang paghahatid ng serbisyo sa mismong bahay ng mga nagnanais na ma-test sa presensya ng HIV ay isasagawa ng Lunes hanggang Sabado, ala 1:00 ng hapon hanggang alas 8:00 ng gabi.
Ang mga HIV counsellors ng Taguig Social Hygiene Clinic, na may dalamg impormasyon at testing kits, ay magtutungo sa mga bahay ng nais magpa-test o kumonsulta kaugnay ng HIV sa 38 barangay ng Taguig.
(Larawan ng Taguig PIO)
Kung nais na mapuntahan sa bahay para sa HIV testing at counselling, maaaring tumawag ang mga residente ng Taguig sa mga numerong ito:
* District 1: 0960-508-1732
* District 2: 0975-265-7466
Maaari ring personal na bumisita sa Taguig Social Hygiene Clinic (SHC) Drop-In Center o sa pinakamalapit na Barangay Health Center.
Ang Taguig SHC-Drop In Center ay nasa Taguig-Pateros District Hospital sa East Service Road, Barangay Western Bicutan, Taguig at bukas ng Lunes hanggang Biyernes, alas 7:00 ng umaga hanggang alas 8:00 ng gabi. Ang kanilang contact numbers ay 0929-302-8855/ 0975-265-7466.
Ang Social Hygienic Clinic-Main naman ah nasa City Health Office Building- Room 1 & 2, T&D Vill. Ramirez St. Barangay Tuktukan, Taguig, at bukas ng alas 7:00 ng umaga hanggang alas 4:00 hapon ng Lunes hanggang Biyernes. Ang numero nito ay 0960-508-1732
Libreng Testing at Counselling sa HIV, Dadalhin na sa Bahay ng mga Taguigeño na Hihiling Dito | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
