May libreng wifi para sa mga estudyante at iba pang mamamayan ng Barangay Comembo, Taguig City.
Ang libremg access sa internet ng barangay ay para sa komunikasyon, pag-aaral, online applications, at iba pang makabuluhang gamit para sa komunidad.
(Infographic ng Barangay Comembo)
Ang wifi name ay Comembo FreeWifi. Mag-log-in para sa dalawang oras na libreng wifi araw araw.
Naka-block ang mga ilegal na websites, partikular ang mga gambling sites upang maprotektahan lalo na ang mga kabataan.
Tiniyak ng Barangay Comembo na lahat ng lugar sa barangay ay magkakaroon ng malakas na signal dahil dadagdagan pa nila ang access points sa mga susunod na araw.
Libreng Wifi, Mayroon sa Barangay Comembo | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
