Isang art exhibit ang isinagawa tampok ang mga likha ng mga batang may learning disabilities sa Taguig Yakap Center sa Barangay Calzada Tipas noong Hulyo 2, 2025.

News Image #1


Bilang bahagi ng 3 araw na obserbasyon ng Learning Disability Week, isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang pagtuturo sa mga bata kung paano gumuhit at itinampok ang kanilang mga gawa sa isang exhibit na pinamagatang "Unleash Creativity, Express Yourself Through Art."

News Image #2


"The exhibit featured paintings and drawings by children and youth with learning disabilities, giving them a platform to share their thoughts, emotions, and individuality through visual storytelling," ang pahayag ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig.

Ang pagdiriwang ng Learning Disability Week 2025 ay sinimulan noong Hunyo 27, 2025.

Ang art workshop ay pinangunahan ng Taguig local artist na si Nemo Aguila, kung saan tinuruan ang mga batang magpinta sa pamamagitan ng watercolor at poster paint.

Ang mga lumahok ay ang mga mag-aaral sa Early Intervention, Transition, Pre-vocational, at Deaf/Hard of Hearing programs.

News Image #3


Dumalo naman sa exhibit si Taguig City Mayor Lani Cayetano at pinuri ang pagiging malikhain ng mga bata.

News Image #4


"Ang sining ay may kakayahang maghatid ng mensahe at may epekto sa tao-na siya ay makalma, ma-inspire. Ang sining ay may kapangyarihang gumamot. Ang art ay healing," ang pahayag ni Cayetano.

"I'm just so, so happy. Kung sa mata ng iba ay may disabilities ang mga batang nag-participate ngayon, ang nakikita natin ay tanging talento nila," pagtatapos nito.

(Mga larawan mula sa Taguig Yakap Center at Pamahalaang Lungsod ng Taguig)