Limampung mga local at international galleries ang may display ng kanilang sining sa Modern and Contemporary Art Festival (MoCAF) sa Marquis Events Place sa Bonifacio Global City (BGC) Fort Bonifacio, Taguig City mula Hulyo 4 hanggang 5, 2026.
Dumalo sa pagbubukas ng MoCAF si Taguig City Mayor Lani, Congressman Jorge Bocobo at iba pang mga opisyal at artists. Ito ang ikatlong pagkakataon na sa Taguig isinasagawa ang MoCAF.
Kabilang sa mga galleries na may display sa MoCAF ang Shikisaisha Gallery (Japan), Gallery Kogure (Japan), White Space Art Asia (Singapore), at Kate Contemporary Madrid (Spain).
May display rin ang kilalang Glass Sculptor Family na sina Ramon, Anna, at Michael Orlina!
Maaari namang mabili ang tickets sa MoCAF sa www.mocaf.net.
(Mga larawan mula sa Facebook Page ni Mayor Lani Cayetano)
Limampung Local at International Galleries, Tampok sa MoCAF 2026 sa BGC | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
