Katamtaman na ang tsansang maging bagyo ang low pressure area (LPA) na namataan may 1,785 kilometro silangan ng Katimugang Mindanao.

News Image #1

(Larawan ng Pagasa)

Kaninang alas 2:00 ng madaling araw, Oktubre 14, 2025, ang LPA ay nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR) subalit ang direksyong tinatahak ay papasok ng bansa.

Kapag pumasok ito sa bansa, tatawagin itong Ramil at posibleng ang tawirin ay ang Luzon.

News Image #2

(Larawan ng Zoom Earth)

Malawak ang sakop ng kaulapan ng posibleng bagyo na tinataya ng Pagasa na papasok sa bansa sa Huwebes o Biyernes.