Isang low pressure area (LPA) ang namataan 130 kilometro sa silangan timog silangan ng Baler, Aurora.

News Image #1

(Larawan ng PAGASA)

Ang easterlies ay nakakaapekto naman sa Visayas.

Ang LPA ay lumilikha ng kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila, Calabarzon, Isabela, Aurora, Pampanga, Nueva Ecija, Bulacan, Bataan, at Camarines Norte.

Samantala, ang easterlies naman ang lumilikha ng kalat-kalat na pag-ulan sa Visayas, Mimaropa at Bicol Region.

Ang tuktok ng Northern Luzon ay may pag-ambon dulot ng northeasterly windflow.