Isang low pressure area (LPA) ang namataan 130 kilometro sa silangan timog silangan ng Baler, Aurora.
(Larawan ng PAGASA)
Ang easterlies ay nakakaapekto naman sa Visayas.
Ang LPA ay lumilikha ng kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila, Calabarzon, Isabela, Aurora, Pampanga, Nueva Ecija, Bulacan, Bataan, at Camarines Norte.
Samantala, ang easterlies naman ang lumilikha ng kalat-kalat na pag-ulan sa Visayas, Mimaropa at Bicol Region.
Ang tuktok ng Northern Luzon ay may pag-ambon dulot ng northeasterly windflow.
LPA na nasa Baler, Aurora, Lumilikha ng Pag-Ulan sa Metro Manila at Kalapit Lalawigan | Taguig Balita
Language: Switch to English
