Mahigit sa 300 pamilya ang naapektuhan ng malaking sunog sa AFPOVAI, Barangay Western Bicutan, Taguig kaninang pasado alas 10:00 ng umaga, Hunyo 13, 2026.

News Image #1


Walang nasawi subalit marami ang nawalan ng bahay at iba pang ari-arian makaraang matupok ng apoy, ayon may Fort Bonifacio Barangay Captain Sonny Vertulfo, sa panayam ng Taguig.com. Isang pamangkin ni Kapitan Vertulfo at isang staff ng Barangay Fort Bonifacio ang kabilang sa nasunugan.


(Video ni Barangay Captain Vertulfo)

Isang helicopter ng Philippine Air Force ang tumulong upang maapula agad ang sunog sa AFPOVAI, lalo na ang nasa gitna na hindi maabot ng mga bumbero.

Kabilang naman sa rumesponde ang Fort Bonifacio Global Pumper sa pangunguna ni Barangay Captain Vertulfo.

Inihahanda ni Kapitan Vertulfo ang covered court sa Zone 1 ng Barangay Fort Bonifacio bilang evacuation center para sa mga nagnanais na pansamantalang sumilong doon.

(Video ni Kapitan Vertulfo)