Mahigit 400 na mga sports carsang pumarada noong Marso 9, 2026 sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig para sa taunang Sports Cars for a Cause.
Nasa ika-pitong taon na ang naturang benefit show na ang mga kinita ay ibinibigay sa Sisters of Mary School upang makapagpaaral at makatulong sa mga bata.
Ang mga mahihilig sa sasakyan, pamilya at mga kasama sa adbokasiya ang nagtungo sa taunang pangyayaring ito sa may 4th at 5th Avenues, BGC.
Ang tema ng kaganapan ay "It Takes a Village," at ito na ang pinakamalaking pagsasama-sama ng mga magagarang sasakyan sa BGC.
Kabilang sa mga sasakyang nasa kaganapan ay mga Ferrari, Lamborghini at McLaren 600LT.
Ito ay pinangunahan at inorganisa ng Presidente ng NEO na si Charlie Rufino.
(Mga larawan ng Taguig.com)
Mahigit 400 Sports Cars, Lumahok sa 2026 Sports Cars for a Cause sa BGC | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
