₱468, 860.00 na halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isang lalaki sa Maharlika Village, Taguig City noong gabi ng Mayo 2, 2024.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Taguig City Police Station ganap na alas 10:00 ng gabi sa Maharlika Village kung saan nahuli si alyas Rasheed, 47 taong gulang.

News Image #1


Anim na plastic sachet na nakasara at may lamang 68.95 na gramo ng puting kristal na hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa suspek.

News Image #2


Nakuha rin dito ang mga minarkahang perang ginamit bilang buy-bust money.

Sa kasalukuyan ay nakakulong na sa Taguig City Police Station ang suspek at haharapan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(Larawan mula sa Taguig Police)