Nagbabanta ang malakas na pag-ulan sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan dahil sa Habagat (Southwest Monsoon) ngayong Hulyo 3, 2025, Huwebes.
Babagsak ang 50 hanggang 100 mm. ng ulan sa:
Metro Manila, Pangasinan, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, at Occidental Mindoro.
Ngayong gabi hanggang Biyernes, Hulyo 4, babagsak naman ang 100 hanggang 200 mm. ng ulan sa:
Pangasinan, Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro
Ang low pressure area (LPA) naman ay makakaapekto sa mga sumusunod na lugar ngayong Huwebes
(50-100 mm):
Batanes, Cagayan, Isabela, Apayao, Kalinga, Abra, at Ilocos Norte.
Ngayong gabi hanggang Biyernes ng gabi, Hulyo 4, 2025:
(50-100 mm):
Batanes, Cagayan, Apayao, Kalinga, Ilocos Norte, at Abra.
Sa Biyernes ng gabi hanggang Sabado ng gabi, Hulyo 5:
(50-100 mm):
Batanes, Cagayan, Apayao, at Ilocos Norte
(Mga larawan ng PAGASA)
Malakas na Pag-Ulan, Nagbabanta Ngayong Huwebes sa Metro Manila at Ilang Bahagi ng Luzon | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
