Huhukayin na ang mga labi ng yumao na inilibing sa Taguig City Public Cemetery (TCPC) noong 2019 at sa mga nauna pang taon.
Ayon sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO), ang mass exhumation ay sisimulan 15 araw mula ngayong Hunyo 18, 2026.
Nananawagan ang CSWDO sa mga kamag-anakan o kinatawan ng mga nakalibing na makipag-ugnayan kay Maricar C. Gabin, Supervising Administrative Officer/Pollution Control Officer ng CSWDO ng Taguig bago sumapit ang araw ng mass exhumation.
Ito ay upang maberipika ang records ng yumao at maisaayos ang pagkuha, paglipat o pag-dispose ng labi ng mga yumaong nakalibing sa naturang public cemetery.
Maaring tumawag sa mga sumusunod na numero: (02) 7795-8825 o 09568143794, o mag-email sa [email protected] para sa koordinasyon.
(Mga larawang ibinahagi sa Taguig.com)
Malawakang Paghuhukay ng mga Labi sa Taguig City Public Cemetery, Isasagawa | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
