Isinagawa ang manual dredging sa ilog na nasa Barangay East Rembo, Taguig City noong Agosto 8, 2025, sa pagtutulungan ng Lake and River Management Office (LRMO) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

News Image #1

(Larawan ng Lake and River Management ng Taguig)

Ito ay bahagi ng River Project ng MMDA at Flood Control Program ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig na layuning maibsan at maiwasan ang pagbabaha sa lungsod.

Nilinis ang mga daluyan ng tubig mula sa mga basura, water lilies at iba pang bumabara rito.

Nanawagan ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa mga Taguigeño na makipagtulungan sa pamamagitan ng pagtatapon sa tamang tapunan ng basura at huwag barahan ang mga daluyan ng tubig upang hindi maranasan ang pagbabaha sa panahon ng pag-ulan.

Samantala, bumababa na ang lebel ng tubig sa Laguna Lake makaraang maitala ito sa 12.69 metro noong Agosot 8, 2025 ng alas 2:00 ng hapon.

News Image #2

(Larawan ng Laguna Lake Development Authority)

Gayunman, nasa kritikal na lebel pa rin ito dahil ang batayan ng hangganan ng kritikal na lebel ng tubig ay 12.50 metro.

Para sa nais makipag-ugnayan sa LLDA, narito ang paraan para sila ay kontakin: Telepono 8376-5430 loc. 135, mobile number 0919-910-8002, at email address: [email protected].