Trabaho ang hatid ng Independence Day Mega Job Fair na isasagawa sa Taguig City University, General Santos Avenue Barangay Central Bicutan, Taguig ngayong Araw ng Kalayaan, Hunyo 12, 2026.

News Image #1

(Larawan ng Taguig PESO)

Sa pamumuno ng Public Employment Service Office at Department of Labor and Employment, ang Mega Job Fair ay magsisimula ng 𝟖:𝟎𝟎 𝐧𝐠 𝐮𝐦𝐚𝐠𝐚 hanggang 𝟑:𝟎𝟎 𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐩𝐨𝐧

Ang mga aplikante na magsusumite ng aplikasyon ay tatanggapin lamang ng hanggang alas 12:00 ng tanghalo upang mabigyan ng panahon ang job interview at matapos sa takdang panahon.

Limampung private employers ang magbibigay ng pagkakataon sa mga nais magkatrabaho.

Mayroon ding one-stop/shop ng mga government services tulad ng 𝐁𝐈𝐑, 𝐒𝐒𝐒, 𝐏𝐒𝐀, 𝐓𝐄𝐒𝐃𝐀, 𝐎𝐖𝐖𝐀, 𝐏𝐚𝐠-𝐈𝐁𝐈𝐆 𝐅𝐮𝐧𝐝, 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡, 𝐓𝐚𝐠𝐮𝐢𝐠 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐏𝐍𝐏, 𝐚𝐭 𝐓𝐚𝐠𝐮𝐢𝐠 𝐌𝐚𝐧𝐩𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐝 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐬𝐬𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫 (𝘛𝘔𝘛𝘊).


Kung lumahok sa nakaraang Employment Coaching Sessions mula Mayo 28 hanggang Hunyo 2, 2026, dalhin lamang ang natanggap na certificate at ipakita sa PESO staff na nasa registratjon area.

Ang mga aplikanteng nagpunta sa Employment Coaching ay mauunang isalang sa Job Interview.

Magdala rin ng mga kopya ng resume at sariling black ballpen.