Isang malaking job fair ang isasagawa ngayong Mayo 1, 2024 sa Phase 2 Activity Area ng Vista Mall, Taguig City mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon.

News Image #1


Ang mega job fair na pinamagatang "Mayo Uno, Trabaho Para sa Taguigueño Mega Job Fair" ay handog ng pamahalaang lungsod ng Taguig kasama ang Public Employment and Services Office (PESO) - Taguig.

Hindi lamang pag-eempleyo ang handog ng job fair kung hindi maging oportunidad sa kabuhayan.

Kailangan lamang na magdala ng resume o curriculum vitae, ballpen at facemask ang mga mag-a-apply ng trabaho.

Magparehistro rin online sa pamamagitan ng QR Code na ito.

News Image #2


Sa mga nakaraang job fairs ng Taguig, nakukuha sa trabaho ang libo-libong mga mamamayan.

(Art cards mula sa Taguig PIO)