Ang mga may karamdang may kinalaman se mental health na miyembro ng Philippine Health Insurance (PhilHealth) kasama ang kanilang mga dependents ay maaari nang masagot ang kanilang konsultasyon at gamutan sa ilalim ng bagong benepisyo rito.
(Larawan ng PhilHealth)
Sa pamamagitan ng Outpatient Benefits Package for Mental Health [PhilHealth Circular 2023-0018], ang mga miyembro at dependents ng mga ito na edad 10 pataas ay maaaring magpa-initial assessments, follow-up consultations, diagnostic tests, at mabigyan ng psychosocial support sa pamamagitan ng PhilHealth annual coverage na Php 9,000 para sa general mental health services at Php 16,000 para sa specialized care.
Kabilang sa mga kondisyong sasagutin ang gamutan sa ilalim ng benepisyo sa PhilHealth ay ang may depression, psychosis, epilepsy, child and adolescent mental and behavioral disorders, dementia, at self-harm o suicide risks.
Maaaring sagutin ang gastusin sa pagpapatingin, lalo na ang may pangangailangan sa specialized care sa tulong ng psychiatrists, neurologists, at psychologists.
Maaaring makuha ng mga miyembor ng PhilHealth ang mga benepisyong ito sa anumang accredited facility ng PhilHealth na nagbibigay ng pangkalahatang serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan.
"We recognize the importance of accessible mental health services for every Filipino. Kaya naman, katuwang din natin ang Kagawaran ng Kalusugan sa patuloy pang pagpapalawig ng ating mga serbisyo para sa kalusugang pangkaisipan. We are calling for more providers to participate and make these services within reach of Filipinos with mental health struggles," ayon sa presidente at chief executive officer ng Philhealth Dr. Edwin Mercado.
Hinihikayat din ng PhilHealth ang mga mamamayang may problema sa kaisipan na gamitin ang 24/7 crisis hotlines, kabilang ang National Center for Mental Health hotline na 0917-899 8727 o 989-8727, para agad na may masanggunian ng lalagayan.
Para sa karagdagang katanungan sa mental health benefit package ng PhilHealth, maaaring makipag-ugnayan sa (02) 866-225-88; mobile numbers 0998-857-2957, 0968-865-4670, 0917-1275987 o 0917-1109812.
Mental Health Benefit Package ng PhilHealth, Maaari Nang Magamit ng nga Miyembro at Dependents ng mga Ito | Taguig Balita
Language: Switch to English
