May pagkakataon ang mga Taguigeñong naghahanap ng trabaho na ma-hire-on-the-spot sa isasagawang "Actual Job Interview" ng Taguig Public Employment Service Office (PESO) sa darating na Lunes, Hulyo 21, 2025.

News Image #1

(Larawan ng Taguig PESO)

Maaaring magtungo ang mga nais mag-apply ng trabaho sa bagong lokasyon ng Public Employment Service Office (PESO) sa Taguig L.E.A.P. Center (Livelihood Employment & Advancement Program) Block 3 Phase 1 Pampanga St. corner 9th Avenue Brgy. Pinagsama, Taguig City, simula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa Lunes.

Bukod dito, tutulungan din ang mga aplikante na bigyan ng dagdag na giya sa kanilang karera na ang layunin ay mas maging handa ang mga aplikante sa isasagawang interview ng mga posibleng maging employer ng mga ito.

Kailangan lamang na magdala ng pinakahuling resume at sariling ballpen at maging maayos ang kasuotan dahil haharap ang aplikante sa posibleng maging employer nito.

Maaaring makipag-ugnayan sa Taguig PESO sa 7795-8881 o mag-chat sa Facebook Page: PesoTaguigLGU o mag-email sa [email protected] kung may dagdag na katanungan.