Pinayuhan ng mga embahada ng Pilipinas sa United Arab Emirates, Kuwait, Qatar, Bahrain, Saudi Arabia, Lebanon at Jordan ang mga Pilipino na limitahan muna nila ang kanilang paglabas sa gitna ng nagaganap na tensyon sa Gitnang Silangan.

News Image #1


Ilang mga lugar sa Iran, kabilang ang Tehran, ang tinarget ng air strikes ng Estados Unidos at Israel kahapon, Pebrero 28, 2026, at sinagot ito ng missiles ng Iran patungo sa mga base militar ng Estados Unidos sa Gitnang Silangan, gayundin ang military facilities ng Israel sa Tel Aviv.

Ayon sa ilang mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa Doha, Qatar at Dubai, United Arab Emirates, nakakarinig sila ng mga pagsabog bunga ng mga debris na galing sa missile drones.

Pinaalalahanan ng mga embahada ang mga Pilipino na maging mapagmatyag at mag-ingat at kontakin ang pinakamalapit na embahada kung kinakailangan.