Kinabog ng Miss Universe-Philippines candidate ng Taguig ang photo shoot sa naturang patimpalak nang gamitin nito ang kaalaman sa pagba-ballet upang makalikha ng mga artistic shots.

News Image #1

(Screenshot mula sa Miss Universe Philippines social media)

Sa swimsuit shoot ng Miss Universe-Philippines, ang mga ballerina pose ni Ysabella "Bella" Ysmael ay nagbigay ng mga larawang kaaya-aya, isang pagpapatunay na ang pagiging athletic at pagiging elegante ay maaaring pagsamahin.



Ang kilalang photographer na si Jai Murcillo ang kumuha ng mga larawan at ang mga nag-ayos kay Ysmael ay sina Donald Lapez, isang sikat na make up artist ng mga modelo, ang hairstyle naman ay si MJ Rone; ang nagdisenyo sa suot ni Ysmael ay si AJ Javier at ang stylist ay si Regi Cruz.

Ang creative director ay si Duds Santiago at ang team ni Ysmael ay ang The Camp Official.