Nagsagawa ng paglilinis ang Barangay Pitogo Fire Volunteers sa kumalat na langis sa Kalayaan Avenue kanina, Hunyo 9, 2026.
(Larawan ni Kapitan Ives Ebrada)
Sa post ni Kapitan Ives Ebrada, inireport ni Kagawad Erwin Macandog na may nadulas na motor sa Kalayaan Avenue patungong Buendia flyover dahil sa kumalat na langis.
Dinaluhan ng Pitogo Rescue ang nasaktang motorcycle rider at agad na nilinis ng fire volunteers, sa pangunguna ni Jun Ebrada, ang langis sa kalsada upang maiwasan ang isa pang aksidente.
Motorcycle Rider, Nadulas sa Langis sa Kalayaan Avenue | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
