Isa si Miss Taguig Christi McGarry sa mga kandidata ng Miss Universe Philippines 2024 na nasa Top 5 para pagpilian na bagong Ambassadress ng Wuling Philippines.

News Image #1


Ang magwawagi ay bibigyan ng bagong sasakyan ng electric motor vehicle company.

Ang Wuling Philippines ay isang electric motor vehicle dealer na sumusuporta sa patimpalak-pagandahang Miss Universe Philippines.

Rumampa sa isang fashion shaw na isinagawa sa Music Hall ng SM Mall of Asia kahapon, Abril 20, 2024, si McGarry kasama ang iba pang nasa listahan ng Top 5 para maging Miss Wuling Philippines.

Bukod may McGarry ng Taguig, nasa top 5 din sina Miss Baguio Tarah Valencia, Miss Cainta Stacey Gabriel, Miss Laguna Alexandra Mae Rosales at Miss Cebu Kris Tiffany Janson.

Ang magwawagi bilang Miss Wuling Philippines ay iaanunsyo sa preliminary competition ng Miss Universe Philippines 2024.

(Screenshot sa kaganapan ng Wuling Philippines)