Hindi na kailangang maghintay ng appointment sa speech therapist ang mga batang may problema sa pagsasalita sa Taguig City.

Mayroong Online Speech Program for Children with Disabilities ang Taguig City na magbibigay ng pagkakataon sa mga batang may disability sa pagsasalita na makapag-praktis at mapahusay ang kanilang pagsasalita kahit nasa bahay lamang.

Ang programa gamit ang app na tinatawag na Mylo Speech Buddy ay inisyatibo ng Taguig City at Yakap Center.

News Image #1

(Infographic ng Taguig Yakap Center)

Ito ay isang award-winning Speech Development System na naka-disenyo upang tulungan ang mga batang may speech delay o hindi pa nakakapagsalita kahit nasa hustong edad na, lalo na ang mga nasa autism spectrum.

Ginawa ang app ng mga magulang na may mga anak na mayroong Autism Spectrum Disorder (ASD) at pinahusay pa ng mga may karanasan sa preschool at special education.

Ang Mylo ay suportado rin ng Speech Pathologists, Occupational Therapists, at medical professionals upang matiyak na ang mga aktibidad dito ay tunay na makakatugon sa pangangailangan ng mga batang may kapansanan.

Ang Mylo app ay nanalo ng Gold sa 2024 Stevie Awards for "Tech Startup of the Year - Software" at Gold din bilang "New Product of the Year - Educational Tech."

Ang mga maaaring gumamit ng Mylo app ay ang mga batang nasa wait list ng magpapa-speech therapy sa Taguig Yakap Center. Gayundin ang kanilang magulang at tagapagbantay na magiging learning partners ng mga bata

Isang taon ang online program na ito at puwedeng i-access ng kahit ilang beses ng mga bata.


Maaaring idownload ng libre ang Mylo app at makakuha ng libreng access dito sa pamamqgitan ng QR code mula sa Yakap Center ng Taguig.

News Image #2

(Infographic ng Taguig Yakap Center)

Maaaring kunin ang QR code ng personal sa Taguig Yakap Center sa Munting Pamayanan ng Calzada corner Bambang ni Peles Street, Purok 5, Barangay Calzada-Tipas, Taguig City.

Beneripikahin ng Yakap Center at maglalabas ng access na may QR code. Ang magulang o tagapagbantay ang maglalagay ng impormasyon. I-scan at pag-parehasin ang QR code. At maaari nang gamitin ang Mylo app.

Narito naman ang pamamaraan ng pag-e-enroll:

π—˜π—»π—Ώπ—Όπ—Ήπ—Ήπ—Ίπ—²π—»π˜ π— π—²π˜π—΅π—Όπ—±π˜€
Method 1 - Direct QR Code Registration (QR codes will be released by the Taguig Yakap Center)
Best for new users without a Mylo account

Method 2 - Account Conversion
For users with existing Mylo accounts

Narito naman ang paraan ng pagrerehistro:

Step 1: Scan QR given by the Taguig Yakap Center β†’ Redirect to website
Step 2: Download from Playstore/Appstore
Step 3: Open app & scan QR
Step 4: Register account

Kung may mga katanungan, mag-email sa: [email protected] o mag-mensahe sa FB: Mylo Speech Buddy