Nagbabala ang Taguig City Police sa sinumang magpo-post sa social media, magpapadala ng mensahe o magbabahagi ng pagbabanta ng karahasan, kabilang na ang banta ng pamamaril sa eskwelahan o anumang katulad na gawain.

News Image #1


Ayon sa pulisya, agad nilang iimbestigahan ang mga ito at pananagutin sa ilalim ng mga kasalukuyang batas.

Tiniyak ng Taguig City Police na kanilang gagawin ang lahat upang makilala, matukoy at maaresto ang mga responsable.

"Threats of violence are not jokes; they are criminal acts that cause fear, disrupt public order, and endanger the safety of our communities. Appropriate criminal chrges will be filed against all individuals found responsible," ang pahayag ng Taguig City Police.

Hinikayat din ng Taguig Police ang mga mamamayan na magsumbong sa pamamagitan ng kanilang hotline numbers na (02) 8642-3582 at 0998-598-7932.

News Image #2


(Mga larawan ng Taguig City Police)