Balik na ang No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa ilang bahagi ng Metro Manila makaraang tanggalin ang bahagi (partially) ng temporary restraining order (TRO) sa pagpapatupad nito.
Kabilang sa mga lugar kung saan ipapatupad ang NCAP o matitiketan sa paglabag sa batas trapiko nang hindi na paparahin ng traffic enforcers ay ang C-5 at EDSA.
Sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra na kabilang din sa pagpapatupad ng NCAP ang Katipunan, Marcos Highway, Roxas Boulevard, Commonwealth Avenue, Quezon Avenue, West Avenue, E. Rodriguez Avenue, at Gil Puyat Avenue.
Ayon sa tagapagsalita ng Korte Suprema, Camille Ting, sinang-ayunan ng en banc ang urgent motion ng Office of the Solicitor General (OSG), bilang pagkatawan sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), na tanggalin na ang TRO sa NCAP upang makatulong sa pagsasaayos ng bumibigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila.
Ang tinanggal na TRO sa NCAP ay para lamang sa MMDA at hindi sa pagpapatupad ng batas trapiko ng mga local government units.
"The reinstatement of NCAP is expected to strengthen the agency's traffic management along Edsa and other major thoroughfares, utilizing closed-circuit television cameras, digital cameras, and other technology to capture videos and images of traffic violators, record traffic violations, and issue citations," ang pahayag naman ng MMDA.
Inaasahan ng MMDA na magkakaroon na ng disiplina sa daan ang mga motorista sa muling pagpapatulad ng NCAP.
No Contact Apprehension Policy ng. MMDA, Balik na sa C5 Road, EDSA at iba pang Pangunahing Daan | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
