Nakamit ng mga nurses ng Taguig-Pateros District Hospital (TPDH) ang ikatlong puwesto sa isinagawang CPR Quiz Bowl ng Philippine Heart Association (PHA) sa EDSA Shangri-la Manila sa Mandaluyong City ngayong Mayo 26, 2026.

Ang mga nagwagi ay sina John Carlo Garcia, MAN, Honeylyn Grospe, RN, at Norhanna Ali, RN.

News Image #1


"Ang inyong husay, dedikasyon, at pagtutulungan ay patunay ng kahalagahan ng patuloy na paglinang ng kaalaman at kahusayan sa larangan ng pangangalagang pangkalusugan. Ang tagumpay na ito ay sumasalamin sa kalidad ng serbisyong iniaalay para sa ating komunidad-dahil tunay na husay at talino ang nag-aalaga sa ating mga Taguigeño," ang pahayag ng TPDH sa kanilang social media account.

News Image #2


Umaasa ang TPDH na magiging inspirasyon ito sa iba pang healthcare professionals sa pagbibigay ng serbisyong may malasakit at husay para sa mga mamamayan.

(Mga larawan mula sa TPDH)