Isandaang libong pisong cash, korona at sash ang natanggap ng nagwaging Mutya ng Taguig 2025 mula sa Barangay Hagonoy, Taguig City na si Krisha Enaje.

News Image #1


Si Enaje rin ang binigyan ng special prize na Best in Evening Gown.

Ang first runner-up naman ay ang Mutya ng Barangay Fort Bonifacio na si Aleckxis Maryannza Chuidian, na nakatanggap ng P70,000.

Siya rin ang kinilalang Best in Talent.

News Image #2


Nagwagi ng P60,000 ang 2nd runner-up na representante ng Barangay Katuparan na si Estephanie Gaebrielle Ladignon.

Ang 3rd runner-up na kandidata naman ng Barangay Rizal na siYumiq Jam Melad, ay pinagkalooban ng P50,000, at ginawaran din ng special prize na Best in Swimwear.

Ang kandidata ng Barangay Tanyag na si Alyanna Ysabel Virtudazo, ang nagwagi ng 4th runner-up at pinagkalooban ng P40,000.

Ang lahat ng runners-up ay mayroon ding korona at sash.

News Image #3


Kabilang din sa nakakuha ng special prizes ang kandidata nf Barangay Bagumbayan na si Jewel Joy Lopena na hinirang na Miss Photogenic.

Miss Congeniality naman si Yasmira Buleg ng Barangay New Lower Bicutan.

Most Creative Advocacy Video naman ang nakuha ni Maricar Bautista ng Barangay Bambang.

At Darling of the Press naman si Maria Kisha Anne Bustillo ng Barangay Ususan.

"You have truly embodied the brilliance and essence of a Taguigeña-showcasing grace, charm, and purpose through your advocacies. May your reign inspire and empower more young women to become the best version of themselves," ang pahayag ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig na ipinost sa Facebook Page ng Mutya ng Taguig 2025.

Kabilang sa mga hurado sa patimpalak kagandahan ang mga sumusunod:

* Christi McGarry, Miss Universe Ph-Taguig 2024, Miss Universe Ph 4th Runner Up
* Ian Mendajar, Runway Coach, Local and International Pasarela Trainer
* Patrick Ramirez, PBB Gen 11 Housemate
* Chantal Schmidt, Miss Universe Ph-Eco International 2024, Miss Eco International 2024 1st Runner Up
* Gidget Dela Cuesta, Talent Manager, Star Magic
News Image #4


(Mga larawan mula sa Facebook Page ni Mayor Lani Cayetano)