Naglabas ng reward money na P500, 000 ang pamilya ng nasawing si Jessie Jay Pullente ng Barangay Central Signal, Taguig City.

News Image #1

(Larawan sa FB ni Isay Pullente)

Batay sa post ni Isay Pullente sa Facebook, ibibigay nila ang reward sa sinumang makapagtuturo sa bumaril at pumaslang kay Jessie Jay na 24 na taong gulang lamang.

"Whoever can provide information or lead to the (sic) mastermind behind the killing of Jessie Jay Pullente, who was innocently shot at a young age by an unknown person, a reward amounting to 500,000 pesos will be given. Please contact this number:
+63 947 590 9693."

Si Jessie Jay ay nasawi noong Abril 16, 2024.

Ang hashtag na #JusticeForJessieJay ay kumalat sa social media makaraan ang pangyayari.

News Image #2

(Larawan mula sa FB ni Councilor Nicky Supan)

Ayon naman sa isang social media user na si Likezo Enzo: "Jes, Ilalaban ka namin hanggang makuha mo ang hustisya na nararapat para sayo. Hindi kami mapapagod hanapin ang taong may dahilan para maudlot ang mga pangarap mo sa buhay."

Si Jessie Jay ay inihatid na sa huling hantungan ngayong 6:00 ng umaga (Abril 21, 2024) sa Heritage Memorial Park sa Fort Bonifacio, Taguig City.