Arestado ng pulisya ang isang 38 taong gulang na lalaking taga-Barangay Pembo, Taguig City makaraang halayin diumano ang isang 15 taong gulang na batang babae sa Makati.
(File photo)
Dinampot ng Makati City Police si alyas Bonifacio sa bahay nito sa Barangay Pembo noong Disyembre 17, 2025, sa pagtutulungan ng pulisya at mga opisyal ng barangay.
Napag-alaman na nilapitan ni alyas Bonifacio ang biktima sa isang party sa Barangay Pitogo kung saan may kasama itong dalawang kaibigan.
Inihiwalay ng suspek ang biktima sa mga kaibigan nito ay dinala umano sa Guadalupe Apartelle II, Barangay Guadalupe Nuevo, Makati City.
Ayon sa biktima, hinalay siya roon ng suspek.
Ang biktima ay nagreklamo sa pulisya kasama ang kanyang ina.
Si alyas Bonifacio ay sinampahan ng paglabag sa Republic Act 11648 o Statutory Rape.
Sinabi ni Police Brig. General Randy Arceo, District Director ng Southern Police, na patuloy ang kanilang proteksyon sa karapatan at kaligtasan ng mga kababaihan at bata, at hinikayat ang publiko na agad na ireport agad ang anumang insidente ng pang-aabuso
Paalala ng Pulisya: Mag-Ingat sa Pagsama sa Hindi Kilala; 38 Lalaki na Diumano ay Humalay sa 15 Anyos na Babae, Arestado | Taguig Balita
Language: Switch to English
