Hindi na kailangang personal na magtungo sa Taguig City Hall ang mga nagnanais na mag-apply ng marriage license.

News Image #1

(Kuha ni Vera Victoria)

Sa pamamagitan ng Civil Registrar Information System (CRIS), maaari nang gawin online ang aplikasyon.

Ang bagong online registration system ay proyekto ng City Civil Registry ng Taguig City.

News Image #2

(Larawan ng City Civil Registry ng Taguig City)

Narito ang pamamaraan para makapag-apply online ng marriage license sa pamamagitan ng CRIS:

1. Magtungo sa website na: https://cris.taguig.info at gumawa ng account.
2. Pumili ng ninanais na serbisyo at punan ang online application form.
3. Maghintay ng text o email confirmation kaugnay ng aplikasyon at appointment.

Maaaring i-scan ang QR code o i-click ang link para sa pag-apply ng marriage license at dagdag na impormasyon:
https://cris.taguig.info