Mahigpit na nagpaalala ang Taguig City Fire Station - Station 9 West Rembo Fire Station sa pag-iwas sa pagpapaputok sa kanilang pag-iikot noong Disyembre 28, 2025 sa dalawang EMBO barangays sa Taguig.
Sa superbisyon ni SFO3 Reward L Abucay, Acting Station Commander, at sa ilalim ng pamumuno ni Fire Superintendent Garynel Julian. City Fire Marshal, nagsagawa ng information campaign ang mga tauhan nito sa Barangay Cembo at Barangay West Rembo upang makaiwas na rin sa sunog ang mga Taguigeño.
Katulong nila sa pagsagawa ng paalala sa pag-iwas sa paputok ang West Rembo Fire Brigade, West Rembo Ambulance, at Cembo Fire Brigade.
Namahagi sila ng mga fire safety leaflets at nag-ikot habang nagpa-public address advisory bilang paalala sa mga mamamayan na ingatan ang kanilang mga sarili at ari-arian sa pagsalubong ng Bagong Taon.
"Ang patuloy na mga information drive na ito, kaakibat ng aktibong pakikilahok ng komunidad at mas pinaigting na presensya sa lugar, ay naglalayong palakasin ang kamalayan sa pag-iwas sa sunog, isulong ang responsable at ligtas na pagdiriwang, at maiwasan ang mga insidenteng may kaugnayan sa sunog," ang pahayag ng Bureau of Fire Protection - National Capital Region - Taguig City.
Kung kailangan ng tulong ng BFP-Taguig, narito ang kanilang emergency hotlines:
(02) 8837-4496 at 0906-211-0919 at ang
National Emergency Hotline: 911
(Mga larawan ng BFP-NCR-Taguig)
Pag-Iingat sa Sunog sa Pagsalubong ng Bagong Taon, Ipinaalala ng BFP-Taguig | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
