Apektado ng paglalatag ng tubo ng tubig ng Manila Water ang ilang mga daan sa Cayetano Boulevard at mga kanto simula noong Hulyo 13 at matatapos sa katapusan ng Oktubre o Nobyembre ng kasalukuyang taon.
Ang proyektong "Pipelaying works for the Long-Term East (LTE3) Cayetano Boulevard ay isinasagawa sa mga sumusunod na daan:
* Cayetano Blvd. corner C5 Service Road
* Cayetano Blvd. (Grace Mall)
* Cayetano Blvd. corner Viejo Road
* Cayetano Blvd. - Visitacion Bridge
Ayon sa Pamahalaang Lungsod ng Taguig, masasakop ng paggawa ang isa o dalawang lanes ng kalsada, na magiging dahilan ng pagbibigat ng trapiko.
Pinapayuhan ang mga motorista na humanap ng ibang dadaanan.
Paglalatag ng Tubo ng Manila Water sa Cayetano Boulevard, Hanggang Katapusan ng Nobyembre | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: