isang malaking pagsalubong sa Bagong Taon ang matagumpay na naisagawa kagabi, Disyembre 31, 2025 hanggang pagtawid ng Enero 1, 2026 sa Bonifacio Global City, Taguig City.
Sa pangunguna ng mga sikat na Filipino artists na SB19, Apl.de.Ap, KZ Tandingan at Jay-R, pinasaya ang mga napakaraming manonood sa 5th Avenue sa BGC para sa NYE at the 5th New Year's Eve countdown.
Pinataas ni DJ Mars Miranda ang enerhiya ng publiko sa BGC sa pamamagitan ng kanyang mga music mixes.
Kumanta rin si Dionela, TJ Monterde, at ang bandang Parokya ni Edgar.
Nagtanghal din ang P-pop group G22 na kinabibilangan nina AJ, Alfea, and Jaz.
Ang mga emcees ng programa ay sina Nicole Anderson at Mond Gutierrez.
Nagbigay rin ng kanyang welcome remarks si Taguig City Mayor Lani Cayetano kung saan ibinahagi nya ang mensahe ng pagpapalit ng taon.
"As we move forward, may we remain hopeful and united, trusting in God's promise of a future filled with purpose and good."
Ang naturang event ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Taguig City Government, Bonifacio Global City, Globe Telecom, MG Philippines, Pepsi Philippines, Pru Life UK, at Vivo.
"Thank you so much to FBDC, BGC Family, sponsors, partners, and all Taguigeños for making this event the biggest NYE countdown in the country. And above all, we thank GOD almighty, for His boundless grace and mercy as we navigated 2025 and usher the new year 2026," ang post ng alkalde sa kanyang social media account.
(mga larawan mula sa Facebook Page ni Mayor Lani Cayetano)
Pagsalubong sa Bagong Taon sa Taguig, Kinatampukan ng Pagtatanghal ng SB 19, Apl.de.Ap at Iba Pang Sikat na Filipino Artists | Taguig Balita
Language: Switch to English
