Nalipat na ang payout schedule ng delivery riders at motorcycle taxi drivers sa Taguig City sa Abril 8, 9 at 10, 2026.

Ang mga delivery riders ng Taguig ay makakatanggap ng kanilang ₱5,000 cash assistance mula sa pamahalaan sa April 8 at 9, 2026, mula alas 7:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon sa TLC Concert Grounds sa C6 Road Barangay Lower Bicutan, Taguig City.

Ang mga motorcycle taxi drivers naman ay makakatanggap ng ayuda sa Abril 10, 2026 ng alas 7:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon.

Tingnan sa infographic sa ibaba ang iskedyul ng mga tatanggap base sa numero na nasa listahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

News Image #1

(Larawan ng DSWD)

Narito ang listahan ng mga makakatanggap ng ayuda:

• Delivery Riders - https://drive.google.com/file/d/1SppEtKYsBCXn4p8GNwcv4WDArgWlDYv0/view?usp=drivesdk
• MC Taxi - https://drive.google.com/file/d/1i0kETv0IytYyyelAu_s3PXN8QNJn8a1j/view?usp=drivesdk

Kung wala sa list, hinihikayat na makipag-ugnayan sa DSWD sa kanilang Facebook Page https://www.facebook.com/share/1HrYNGeBf8/?mibextid=wwXIfr

o magtungo sa kanilang Help Desk sa mismong payout site sa itinakdang panahon ng bigayan ng cash assistance para sa kanilang sektor.

Sinabi ng DSWD na ang basehan nila ng listahan ay ang mga dumaan sa masusing validation ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), batay sa datos na isinumite ng mga Transport Network Companies (TNCs), ng Local Government Unit (LGU) at Public Utility Jeepney (PUJ) Operators.

Ipinaalala rin ng DSWD na magdala ng orihinal at photocopy ng driver's license sa naka-iskedyul na payout.