Upper-middle-income na ang lebel ng ekonomiya ng Pilipinas, ayon sa World Bank.
Sa isang pahayag sa social media na inilabas ng World Bank, ang Pilipinas ay kasama sa limang bansa na umakyat mula sa lower-middle to upper-middle income.
Kabilang sa listahan ang mga bansang Jordan, Micronesia, Sri Lanka, at Vietnam.
Isa naman ang umakyat mula sa low tungong lower-middle income at ito ay ang Togo.
Sinabi ng World Bank na nakamit ng Pilipinas ang reclassification na ito sa pamamagitan ng malawakang paglago ng ekonomiya.
"GDP grew at an average of 5.8% per year over five years, reflecting gains across all major industries, not a single sector boom, but an economy-wide shift," ang pahayag ng World Bank.
Ayon kay Zafer Mustafaoglu, World Bank Division Director, ang pag-angat ng lebel ng ekonomiya ng Pilipinas ay makakatulong upang mas marami at mas mahusay na trabaho ang malikha sa bansa, mapapalago ang kakayahan ng bansa sa pagiging produktibo at pagsasagawa ng inobasyon.
Pilipinas, Nag-level Up! Upper-Middle-Income na ang Kategorya, Ayon sa World Bank | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
