Bumawi ng bahagya ang Philippine peso makaraang magsara ang trading nito sa P61.686 laban sa US dollar kahapon, Hulyo 15, 2026. Nakabangon ito mula sa pagsadsad ng P61.71, isang halos record low, noong Hulyo 14, 2026.

News Image #1


Ang paghina ng piso ay bunga ng tumaas na namang presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan dahil sa nagbalik sa giyera ang Estados Unidos at iran, bukod sa lumakas din ang dolyar.

Subalit ang inflation sa Estados Unidos ay bumagal din o nag-"cool down" na nagpabawas sa halaga ng US dollar. Ito ang dahilan kung bakit bahagyang lumakas ang piso kahapon at nakabangon ng may 2.4 sentimos para magsara saa P61.686.