Ayos na ang poste sa RR Cruz Street Barangay Bambang, Taguig City na dating pinangangambahang tutumba na.
"Sa tulong ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga residente ng RR Cruz Street, Bambang Paglingkuran, at sa patuloy na pakikipag-ugnayan at follow-up sa kinauukulan, naisaayos na ang poste ng kuryente na dati ay nangangambang tumumba at maaaring magdulot ng panganib sa mga dumaraan at nakatira sa lugar," ang pahayag ng Barangay Bambang sa kanilang social media post.
Pinasalamatan din nila ang Meralco team sa pangunguna ni Inspector Justine Franco at ang grupo ng Estrabo Electrical and Allied Services, Co. sa pag-aayos ng nasabing poste.
(Mga larawan ng Barangay Bambang)
Posteng Malapit nang Tumumba sa Barangay Bambang, Naayos Na | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
