Tataas na naman ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director III Rodela Romero, ang mga sumusunod ang tinatayang pagtataas sa presyo:

Gasoline - P0.90 to P1.20 kada litro
Diesel - P1.20 to P1.40 kada litro
Kerosene - P1.10 to P1.30 kada litro

News Image #1


Sinabi ni Romero na ang inaasahang pagtataas na naman ng produktong petrolyo ay bunga ng pangamba sa lumalalang problema sa Gitnang Silangan lalo na ang giyera sa pagitan ng Israel at Hamas na maaaring umabot hanggang sa Iran.

Kabilang din sa nagtutulak sa presyo pataas ng mga produktong petrolto ay ang pag-atake ng Ukraine sa oil refineries ng Russia. Kasama rin dito ang desisyon ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) na ituloy ang pagbabawas ng produksyon ay ang senyales ng lumalakas na paglago ng ekonomiya sa Estados Unidos at India.

Noong nakaraang Martes, Abril 2, 2024, ang mga kumpanya ng langis ay itinaas ang presyo ng gasolina sa P0.45 kada litro, samantalang binawasan naman ang diesel ng P0.60 kada litro at kerosene ng P 1.05 kada litro.

(Kuha ni Dek Terante)