Tinatayang tataas ang presyo ng nga produktong petrolyo sa susunod na linggo bunga ng tensyon sa Gitnang Silangan at patuloy pa ring giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

News Image #1

(Larawan ng Taguig.com)

Sa pinakahuling pagmomonitor ng Department of Energy sa fuel prices, narito ang tinatayang magiging pagkilos ng presyo ng mga produktong petrolyo sa darating na Martes, Marso 3, 2026:

Ang gasolina ay posibleng tumaas sa pagitan ng ₱1.70 hanggang ₱1.90 kada litro.

Ang diesel ay posibleng tumaas ng ₱1.00 hanggang ₱1.20 kada litro.

Ang kerosene ay posibleng magkaroon ng pagtataas ng ₱1.30 hanggang ₱1.50 kada litro.

Ang mga ito ay pagtataya pa lamang sa presyo na itataas sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Abangan bukas, Lunes, ang pinal na presyo.