Isang Pride Run ang isasagawa bukas ng madaling araw na magsisimula sa Barangay Hall ng Central Signal, Taguig City, patungo sa Cong. Jun Dueñas Gymnasium.

News Image #1


Bukas ito para sa lahat ng gustong makilahok sa pagtakbo bilang pagsuporta sa 𝐋𝐆𝐁𝐓𝐐𝐈𝐀+ community.

Ang pride run ay isasagawa ngayong Sabado, Hunyo 13, 2026, ng alas 5:00 ng madaling araw.

Alas 3:00 ng madaling araw maaaring makuha ang running jersey sa Cong. Dueñas Gym, subalit ang unang 300 lamang ang mabibigyan nito.

Alas 4:00 naman ng madaling araw ang pagtitipon-tipon sa Barangay Hall ng Central Signal.

Alas 5:00 ng madaling araw ang simula ng pagtakbo.

Ipinaalala ng Barangay Central Signal na may mga bahaging paakyat at pababa sa daraanan ng Pride Run.

Dadaanan ang mga checkpoints kung saan makakakuha ng red baller sa unang checkpoint sa Putol na Tulay, blue baller sa ikalawang checkpoint sa Col. Arroyo, Gracel at yellow baller sa ikatlong checkpoint sa Manalili corner Ballecer.

News Image #2


Kailangan ding nalagdaan muna ang Health Declaration and Waiver Form na makukuha sa link na ito:
https://docs.google.com/document/d/16-FwpLGBdpwcgeIVsL_tSw34ckmEZyoxB7eisaKG9Qk/edit?tab=t.0

Para naman sa mga menor de edad na 18 taong gulang pababa, kailangang may consent mula sa magulang o tagabantay at Health Declaration and Waiver Form na makukuha sa link na ito:
https://docs.google.com/document/d/1ueWrFzHEOV-DeDuM-T2FTggv5swlj8yHMBfxPYOzaCU/edit?usp=drive_link

Mayroong Finisher's Medal at loot bags sa makakatapos ng ruta.

Mayroon ding libreng lugaw, palaro at raffle, at HIV Testing hatid ng Taguig Social Hygiene Clinic & Drop-in Center.

(larawan mula sa post ni Barangay Capt. Jun Jun Dueńas)